Sa Kuala Lumpur — Kinatagpo dito kahapon ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia at Presidente ng United Malays National Organization (UMNO), si Sun Chunlan, dumadalaw na Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Lupong Panlunsod ng Tianjin.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Sun na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyong Sino-Malay. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Malay para walang humpay na mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Najib na ang susunod na taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Malaysia at Tsina. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng dalawang panig ang pagkakataong ito para ibayo pang mapalalim ang relasyon ng dalawang bansa at partido.
Salin: Li Feng