Sa Jakarta — Kinatagpo dito kamakalawa ni Sun Chunlan, dumadalaw na Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Lupong Panlunsod ng Tianjin, si Dr Boediono, Pangalawang Pangulo ng Indonesia.
Sinabi ni Sun na mahaba ang kasaysayan ng relasyong pangkaibigan ng Tsina at Indonesia. Noong isang buwan, matagumpay na dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Indonesia, at napataas sa komprehensibong estratehikong partnership ang relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ng dalawang panig ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan at walang humpay na mapapayaman ang nilalaman ng nasabing relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Sun, matagumpay na ipininid ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC, at ito ay isang mahalagang pulong na idinaos sa masusing panahon ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina. Aniya, ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng Tsina ay magkakaloob ng malakas na puwersa sa pag-unlad ng bansa, at ito ay makakapagbigay rin ng mas maraming pagkakataon ng pag-unlad sa iba't-ibang bansa sa diagdig.
Binati naman ni Boediono ang matagumpay na pagdaraos ng naturang pulong ng CPC. Ipinahayag din niya ang kahandaan na magsikap kasama ng Tsina, para mapasulong ang pagtatamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ng bagong progreso.
Salin: Li Feng