Kaugnay ng pagpasok kahapon ng dalawang B-52 Bomber ng tropang Amerikano sa Air Defense Identification Zone (ADIZ) ng East China Sea ng Tsina, ipinahayag ngayong araw ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina, na may kakayahan ang panig Tsino sa pangangasiwa sa mga may kinalamang lugar na panghimpapawid.
Sinabi ni Geng na ang naturang dalawang eroplano ng Amerika ay lumipad sa hangganan sa dakong Silangan ng ADIZ at isinagawa ng tropang Tsino ang pagmomonitor sa buong proseso ng paglipad nito.
Salin: Ernest