Sa kabila ng mga kilos ng mga mamamayan, pinagtibay kagabi ang "Bill upang Mapangalagaan ang mga Espesiyal na Kalihim" ng Mababang Kapulungan ng Hapon. Dadalhin ito sa Mataas na Kapulungan para pagdebatihan.
Ayon sa batas na ito, ituturing na lihim ng bansa ang mga impormasyon sa seguridad, diplomasiya, paglaban sa pang-eespiya at paglaban sa terorismo. At itinakda rin sa attached list na kasama sa mga nilalaman ng "state secret" ang hinggil sa sandata, ammunition at eroplano.
Ipinalalagay ng mga mediang Haponese na lumikha ang bill ng pagkakataon para itakda nang walang pakundangan ng pamahalaan kung ano ang "maituturing na "state secret," at makakasira ito sa karapatan ng mga mamamayan sa impormasyon at kalayaan sa pagpapahayag ng mga media.
salin:wle