Tinanggihan kahapon ni Cheng Yonghua, Embahador-Tsino sa Hapon ang protesta ng panig Hapones laban sa Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea ng Tsina.
Tinukoy ng sugong Tsino na ang pagtatakda ng ADIZ ay hindi bagong hakbangin at mayroong katulad na hakbangin ang ibang bansa. Aniya ang isinagawa ng Tsina ay angkop sa mga pandaigdig na batas na tulad ng Karta ng United Nations (UN). Dagdag pa niya, hindi ito nakatuon sa espesipikong bansa o target at hindi rin ito makakaapekto sa malayang paglipad.
Iniharap kahapon ni Saiki Akitaka, Pirmihang Ministrong Panlabas ng Hapon ang protesta sa embahador-Tsino kaugnay ng pagtakda ng Tsina ng ADIZ.
Salin: Jade