Tatlong (3) linggo na ang nakalipas sapul nang salantahin ng super typhoon "Yolanda" ang Pilipinas. Upang mapabilis ang paglilinis sa mga apektadong lugar, at tulungan ang mga nasalantang mamamayan na maipagpatuloy ang pamumuhay, inupahan kamakailan ng organo ng UN ang ilang mamamayang biktima mismo ng bagyo para magtanggal ng mga basura at kasabay nito ay tumanggap ng suweldo. Ayon sa pagtaya, ang naturang aid plan ay makakapagbigay ng 200 libong trabaho para sa mga nabiktimang mamamayang Pilipino.
Ayon sa namamahalang tauhan ng naturang organo sa lunsod ng Tacloban na grabeng sinalanta ng bagyo, ang planong ito ay hindi lamang makakatulong sa pagpapanumbalik sa normal ng kabuhayan, kundi magkakaroon pa ang mga nabiktimang mamamayan ng dignidad sa kanilang pagtatrabaho. Mula 250 hanggang 500 Piso (halos 6 hanggang 12 dolyares) bawat araw ang suweldo para sa mga kalahok sa planong ito.
Salin: Lito