Ipinasiya ngayong araw ng pamahalaan ng Macau na ilaan ang 5 milyong Macau Pataca (MOP) o mahigit 626 libong US Dollar para sa gawaing rekonstruksyon ng Pilipinas pagkatapos ng bagyong Yolanda.
Sa kaniyang pakikipagtagpo nang araw ring iyon kay Danilo T. Ibayan, Consul General ng Pilipinas, ipinahayag ni Fernando Chui Sai On, Punong Ehekutibo ng Macau, ang pagsuporta sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon ng Pilipinas pagkatapos ng kalamidad.
Bukod dito, ipinahayag niya, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Macau, ang pakikiramay sa mga biktima at apektadong Pilipino sa kalamidad.
Pinasalamatan naman ni Ibayan, sa ngalan ng pamahalaan ng Pilipinas, ang pakikiramay at pagtulong ng Macau. Inilahad din niya ang kalagayan ng kapinsalaan ng Pilipinas matapos ang kalamidad at gawaing panaklolo sa mga nasalantang lugar.
Salin: Ernest