Sa Australia — Sinabi dito kahapon ni Aung San Suu Kyi, dumadalaw na lider ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, na may balak siyang lumahok sa halalang pampanguluhan ng bansa sa taong 2015. Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na bigyang-pansin ang ginagawa niyang pagsisikap para mapasulong ang reporma sa bansa.
Sinabi pa niya na umaasa siyang masasamantala ng Myanmar ang bentaheng agrikultural ng bansa para maigarantiya ang estratehikong katayuan ng bansa.
Dumating kamakalawa ng Sydney si Aung San Suu Kyi para pasimulan ang kanyang kauna-unahang 5 araw na pagdalaw sa Australia.
Salin: Lito