Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sapul nang ipalabas at isagawa ang Proklamasyon ng regulasyon hinggil sa identification sa mga aircraft sa Air Defense Identification Aone (ADIZ) sa East China Sea, naging normal at ligtas na ang flights sa kinauukulang airspace. Hindi naapektuhan ang civil aviation.
Sinabi ni Qin na ayon sa naturang proklamasyon, dapat ipaalam ng lahat ng aircraft na dumaan ng ADIZ ang plano ng paglipad nila sa Tsina. Sinabi ni Qin na umaasa ang Tsina na aktibong magkokoordina ang iba't ibang kinauukulang panig para magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan ng paglipad ng eroplano.
Salin:Sarah