Pagkaraang ipatalastas ng Tsina ang paglalagay ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea, binatikos ito ng Hapon, at sinabi nitong, ito ay unilateral na nagpapabago ng kasalukuyang situwasyon at magdudulot ng di-kaaya-ayang insidenteng pandagat at panghimpapawid.
Hinggil dito, ipinahayag ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang inilagay na ADIZ ng Tsina ay makatarungan at legal. Laging pinupuna ng Hapon ang iba pang bansa, pero, hindi nitong inilalahad ang sariling kakulangan, aniya pa.
Dagdag pa ni Yang, noong 1969 naglagay ng ADIZ ang Hapon, kaya, wala itong karapatang magsalita hinggil sa ADIZ ng iba pang bansa.
Aniya, kung hihilingin ng Hapon na kanselahin ng Tsina ang ADIZ, dapat kanselahin muna nito ang sariling ADIZ.
salin:wle