Ipinahayag ngayong araw ni Gao Hong, dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences, na mayroong kapangyarihang pambatas ang Cairo Declaration.
Noong ika-2 ng Setyembre ng taong 1945, nilagdaan ng Hapon ang kasunduan ng pagsuko ng walang pasubali na ipinangakong matapat na isakatuparan ang mga tadhana ng Potsdam Declaration. Sinabi ni Gao na maliwanag na itinakda sa Potsdam Declaration na dapat isakatuparan ang mga kondisyon ng Cairo Declaration. Kaya aniya mayroong kapangyarihang pambatas ang nasabing deklarasyon.
Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, may mahalagang katuturan pa rin ang Cairo Declaration sa pangangalaga sa kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.