Ipinahayag ngayong araw ni Huang Dahui, Dalubhasa mula sa Renmin University ng Tsina, na dapat palalimin ng komunidad ng daigdig ang pagkaunawa sa Cairo Declaration at Potsdam Proclamation, para maigarantiya ang mahigpit na pagsunod sa naturang mga pandaigdigang kasunduan. Dagdag pa niya, ang mga ito ay nilagdaan dahil kinakaharap ng kaayusang pandaigdig ang malubhang hamon pagkatapos ng World War II mula sa Hapon.
Sinabi ni Huang na maliwanag na itinakda ng naturang mga kasunduan na dapat ibalik ng Hapon ang mga sinakop nitong lupa mula sa Tsina na kinabibilangan ng dakong Hilagang-Silangan ng Tsina, Taiwan, at Penghu Islands. Dagdag pa niya, ang Diaoyu Islands ay nabibilang sa pangangasiwa ng Taiwan sa kasaysayan ng Tsina.
Kaya biniyang-diin ni Huang na ang mga ginagawang hakbangin ng pamahalaang Hapones sa Diaoyu Islands ay hindi lamang nakakapinsala sa soberanya at teritoryo ng Tsina, kundi maging sa natamong bunga ng World Anti-Fascist War at kaayusang pandaigdig.
Kaugnay ng pagsisikap ng pamahalaan ng Hapon para susugan ang umiiral na "peace constitution," ipinalalagay ni Huang na ito'y nagpapakita ng paghamon ng Hapon sa prinsipyo ng kapayapaan na itinakda sa nabanggit na kasunduang pandaigdig. Aniya pa, kung sususugan ang konstitusyon ng Hapon, ito aniya ay magpapasulong ng pag-ahon ng militarismo ng Hapon, na siyang dahilan ng pagsalakay sa mga bansang Asya-Pasipiko noong World War II.
Salin: Ernest