|
||||||||
|
||
Sinabi ni Lee Waan Bum, kinauukulang dalubhasa ng Timog Korea na sa Cairo Declaration, maliwanag na itinadhana ang pag-aari ng teritoryo at kaayusan sa Silangang Asiya pagkatapos ng World War II, at ito ang kauna-unahang opisyal na dokumento pagkatapos ng World War II na nagpapahayag ng saklaw ng teritoryo ng Hapon. Pagkatapos ng Disyembre, 1943, binubuo ang "Mekanismo ng Cario" sa Ssilangang Asiya na lubos na nagpapakita ng napakahalagang impluwensiya ng Cairo Declaration.
Ipinalalagay ni Karl Pilning, dalubhasa ng Alemanya sa isyu ng Silangang Asiya na hiniling ng Cario Declaration sa Hapon na isauli ang mga isla sa Pasipiko na sinalakay nito sapul nang sumiklab ang World War I at mga teritoryo ng Tsina na sinalakay nito. At binigyan-diin ng the Potsdam Proclamation na nilagdaan noong Hulyo, 1945 na dapat isakatuparan ang nilalaman ng Cairo Declaration.
Sinabi ni Karl Pilning na 70 taon nang ipinalabas ang Cairo Declaration, pero, sa kasalukuyan, nagtatangka si Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, na baguhin ang Pacifist Constitution ng Hapon. Ang naturang aksyong niya ay taliwas sa diwa ng Cairo Declaration at Potsdam Proclamation, ito rin ay pagsira sa pandaigdigang kaayusan pagkatapos ng World War II, at pagsira sa diwa ng pagpapalaganap ng kapayapaan.
Tinukoy ni Karl Pilning na mali ang pakikitungo ng Hapon sa kasaysayan. Sa Hapon, sa kasalukuyan, umiiral ang tunguhin ng nasyonalismo na nagdulot ng maigting na atomospera para sa relasyon ng Tsina at Hapon, at sa relasyon ng Timog Korea at Hapon.
Ipinalalagay ni Karl Pilning na para pabutihin ang relasyon ng Tsina at Hapon, dapat sundin ng Hapon ang tadhana ng Cairo Declaration at Potsdam Proclamation.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |