Ang unang araw ng Disyembre ng taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakapatalastas ng Cairo Declaration kung saan itinakda ang kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II. Ayon sa kasunduang ito, dapat ibalik ng Hapon ang mga sinakop nitong lupa mula sa Tsina sapul noong 1895.
Ipinalalagay ni Dan Plessy, propesor mula sa London University, na itinakda sa Cairo Declaration kung papaano lulutasin ang isyu ng mga sinakop na lupa at hangganan ng mga bansa pagkatapos ng World War II. Kaya mahalaga ang katuturan ng deklarasyong ito.
Sinabi naman ni Michael Saleh, Propesor mula sa Arizona University, na maliwanag na itinakda sa nasabing deklarasyon na dapat ibalik ng Hapon ang lahat ng mga sinakop na lupa ng Tsina at ibang mga bansa sa Hilagang Silangang Asya at Timog Asia.
Binigyang-diin niya na kahit sa kasalukuyan, may mga dalubhasang Hapones na hindi pabor sa pagbabalik ng mga sinakop na lupa ng Hapon, kahit natalo ito noong World War II, at kinilala at tinanggap ang Cairo Declaration.
Salin: Ernest