|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Aye Myint, namamahalang tauhan para sa proyekto ng Dawei Special Economic Zone ng Myanmar, na nakatakdang itayo ang naturang sona mula susunod na Mayo, at limang taon ang itatagal ng pagtatayo ng proyektong ito.
Ayon sa ulat, ang proyekto ng Dawei ay ang pinakamalaki ngayong sonang pangkabuhayan sa bansang Myanmar. Magkakasamang idedesenyo ng Thailand, Hapon at Myanmar ang naturang proyekto, at isasagawa nito ang public bidding sa takbo ng paggamit ng mga pondong dayuhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |