Ipinatalastas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Abyasyong Sibil ng Myanmar, na nakuha ng grupo ng mga bahay-kalakal ng Timog Korea ang proyekto ng pagtatayo ng Hanthawaddy International Airport.
Ang nabanggit na paliparan ay may layong 80 kilometrong mula sa dakong Hilagang Silangan ng Yangon. Tinayang ang gugugulin sa pagtatayo ng paliparan ay aabot sa 1.1 bilyong doyalres at magkakaloob ito ng serbisyo para sa halos 12 milyong pasahero bawat taon.
Ipinahayag kahapon ng Ministri ng Komunikasyon ng Timog Korea, na lalagdaan ng dalawang panig ang kasunduan bago ang katapusan ng taong ito.
Ang nasabing grupo ng mga bahay-kalakal ay binubuo ng limang bahay-kalakal. Sisimulan nila ang pagtatayo ng paliparan sa taong 2018.
Salin: Ernest