Sa kaniyang pagdalaw sa Hapon, nanawagan kagabi ni Joseph Biden, Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na itatatag ng Tsina at Hapon ang mekanismo ng pamamahala sa mga krisis.
Nag-usap kagabi sina Biden at Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon. Pagkatapos, sinabi ni Biden sa news briefing na dapat itatag ng Hapon at Tsina ang mekanismo ng pamamahala sa mga krisis at mabisang tsanel ng diyalogo, para mapahupa ang maigting na kalagayang panrehiyon at maiwasan ang sagupaan dahil sa maling kapasyahan o erroneous judgement.
Ayon sa ulat ng media ng Hapon, ang pamahalaang Hapones ay nagtangkang mararating ang komong palagay nila ng panig Amerikano sa panahon ng pagdalaw ni Biden, para hiniling sa Tsina na kanselahin ang Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea. Pero, hindi pa ito natugunan ng E.U.
salin:wle