Pagkaraang dumalaw sa Beijing at Shanghai, dumating kahapon si Punong Ministrong David Cameron ng Britanya sa Chengdu, kabisera ng lalawigang Sichuan, Tsina.
Sinabi ni Cameron, na umaasa siyang sa pamamagitan ng kanyang pagdalaw sa Tsina, lalo pang hihigpit ang pagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Britaniko at lalawak ang kanilang pamumuhunan..
Aniya, bilang isang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, positibo siya sa pakikisangkot ng mga bahay-kalakal na Tsino sa konstruksyon ng impraestruktura ng Britanya.
Sa pananatili sa Chengdu, nakipag-usap din si Cameron sa mga namamahalang tauhan ng Sichuan, bumisita siya sa dating tahanan ni Du Fu, kilalang makatang Tsino noong panahon ng Tang Dynasty, at kumain ng maahang na hot pot sa lokalidad.