Nag-usap kahapon dito sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Victor Yanukovich ng Ukraine. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng estratehikong partnership ng dalawang bansa at mga isyung kapuwa nilang pinahahalagahan. Narating ng dalawang lider ang komong palagay.
Sa nasabing pagtatagpo, nagharap si Xi ng apat na mungkahi. Una, dapat pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas at palalimin ang pagtitiwalaan. Ika-2, dapat puspusang pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, kasama na ang pagpapalakas ng kooperasyon sa agrikultura, enerhiya, konstruksyon ng imprastruktura, pinansya, modernong industrya, at iba pa. Dagdag pa ni Xi, umaasa siyang lilikha ang Ukraine ng mas mabuti at maginhawang kapaligiran para sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Ika-3, dapat walang tigil na palawakin ang pagpapalitan sa kultura. Ika-4, pahigpitin ang kooperasyon sa suliraning panrehiyon at pandaigdig, para mapasulong ang maayos at makatuwirang bagong kaayusan ng pandaigdig na pulitika. Ito, ani Xi ay para sa magkasamang pagharap sa mga hamong pandaigdig at upang mapangalagaan ang komong interes ng bawat isa.
Sinang-ayunan ni Yanukovich ang mga mungkahi ni Xi. Aniya, ang ibayo pang pagpapalalim ng estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at Ukraine ay angkop sa saligang interes ng mga mamamyan ng dalawang bansa. Nakahanda ang Ukraine na pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, isulong ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan at pagpapalitang kultural at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, dagdag pa ni Yanukovich.
salin:wle