Pinagtibay kahapon ng Hari ng Thailand ang aplikasyon ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra para buwagin ang Mababang Kapulungan ng Parliamento ng bansa. dahil dito, idaraos ang halalan sa ika-2 ng Pebrero ng taong 2014.
Ipinahayag ni Peng Peng, Tagapagsalita ng Pheu Thai Party, na sa pulong ng Partido na idaraos sa ika-11 ng buwang ito, tatalakayin ang nominasyon kay Yingluck Shinawatra bilang opisyal na kanditado ng Partido sa halalan.
Ipinahayag naman ni Abhisit Vejjajiva, Puno ng Democrat Party ng Thailand, na ang kapasiyahan ni Shinawatra na buwagin ang Mababang Kapulungan ay malaking tulong sa pagpapahupa ng kasalukuyang tensyon sa bansa. Hindi naman tiniyak ni Vejjajiva kung lalahok ang kanyang partido sa halalan o hindi.
Sa kabilang dako, ipinahayag ng isang namamahalang tauhan ng People's Democratic Reform Committee, organisasyong kontra sa pamahalaan, na walang epekto sa kasalukuyang kalagayan ng Thailand ang pagbuwag sa Mababang Kapulungan. Hiniling din nito ito sa gabinete ni Shinawatra na agarang magbitiw sa tungkulin at ilipat ang kapangyarihang administratibo sa National Assembly.
Salin: Ernest