Ipinatalastas kaninang umaga ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand ang pagbuwag sa Mababang Kapulungan ng Parliamento, kasabay ng pananawagan sa pagdaraos ng halalan sa lalong madaling panahon. Dagdag pa niya, bago isagawa ang halalan, patuloy na isasabalikat ng punong ministro at gabinete ang kanilang mga tungkulin.
Ipinahayag ni Shinawatra na kahit buong sikap na nilulutas ng pamahalaan ang mga hidwaang panlipunan, nananatili pa rin ang mga ito. Kaya aniya ipinasiya ng pamahalan na ibalik ang pambansang kapangyarihan sa kamay ng mga mamamayan para piliin nila mismo ang landas na tatahakin ng bansa patungo sa hinaharap.
Ipinahayag din ng Thai PM na isinumite na niya sa Hari ang aplikasyon ng pagbuwag sa Mababang Kapulungan ng Parliamento. Hanggang sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang pag-aproba ng Hari sa kapasiyahan ni Shinawatra.
Salin: Ernest