Bilang tugon sa warship encounter ng Tsina at Amerika sa South China Sea (SCS), ipinahayag kaninang umaga ng Departamento ng Impormasyon ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na nagkaroon ng encounter kamakailan sa pagitan ng isang nagpapatrolyang bapor ng Chinese Navy at isang bapor na pandigma ng Amerika sa SCS. Ayon sa pahayag ng nasabing departamento, maayos na hinawakan ng bapor Tsino ang nasabing pangyayari, alinsunod sa operating specifications. Mabisa namang nagpalitan ng mga mag-kaugnayang impormasyon ang mga departamentong panseguridad ng dalawang bansa sa pamamagitan ng normal na tsanel at mabisa ang kanilang pagpapalitan.
Ipinahayag din ng nasabing departamento na ang pagbabalita ng ilang media ay hindi angkop sa katotohanan. Ayon pa sa pahayag, may magandang pagkakataon ang mga tropang Tsino at Amerikano, upang pakasain ang kanilang relasyon at nakahanda ang dalawang panig na pasulungin ang kanilang koordinasyon para sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
salin:wle