Beijing-Sa kanyang pakikipagtagpo sa rito kahapon sa delegasyon ng Cambodian People's Party (CPP) na pinamumunuan ni Pangalawang Punong Ministrong Sok An, ipinahayag ni Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na kasabay ng pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cambodia sa taong ito, handa ang kanyang bansa na pasulungin pa ang pakikipagtulungan sa Cambodia para palalimin ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan.
Sinabi naman ni Sok An na nananatili ngayong mainam ang relasyon sa pagitan ng CPP at CPC, at relasyong Sino-Kambodyano. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap para ibayo pang pasulungin ang naturang relasyon sa ibat-ibang larangan.