Idinaos kahapon sa Confucius Institute ng Royal Academy of Cambodia ang isang-araw na porum bilang pagdiriwang sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya.
Ipinahayag ni Khlot Thyda, Presidente ng Royal Academy of Cambodia na, sa katatapos na porum, dalawang dalubhasang Kambodyano at dalawang dalubhasang Tsino ang naglahad hinggil sa kasaysayan at pag-unlad ng ugnayang diplomatiko at pagpapalitang kultural ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, salamat sa porum, natuto tungkol sa isa't isa ang Tsina't Kambodya, at dahil din sa porum, magpapatuloy ang kanilang pagkakaibigan.
Kabilang sa mahigit 200 kalahok na panauhin mula sa Tsina't Kambodya ay sina Bu Jianguo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, at Sok An, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Gabinete ng Kambodya.
Salin: Jade