|
||||||||
|
||
Ayon sa mass media ng Pakistan, ipinahayag kahapon ng espesyal na hukuman ng Pakistan na dahilan ng elementong panseguridad, ipagpapaliban ang paglilitis sa kasong treason na isinampa laban kay dating Pangulong Pervez Musharraf.
Ayon sa isang mahistrado ng naturang espesyal na hukuman, isasagawa ang paglilitis sa unang araw ng susunod na taon. Sa panahong iyon, haharap si Musharraf sa hukuman para litisin.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |