Binatikos kamakailan ng Alemanya at Singapore ang pagbibigay-galang ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, sa Yasukuni Shrine. Nanawagan sila sa Hapon na tumpak na harapin ang kasaysayan.
Sinabi kahapon ni Steffen Seibert, Tagapagsalita ng pamahalaang Aleman na dapat maging tapat ang bawat bansa sa sariling gawin hinggil sa World War II. Aniya, kung tumpak na haharapin lamang ang kasaysayan, magkakasamang itatatag ng iba't ibang bansa ang magandang hinaharap.
Ipinahayag kamakalawa ng Ministring Panlabas ng Singapore na ikinalulungkot nito ang pagbibigay-galang ni Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine. Anito, ito ay makakapinsala sa pagtitiwalaan ng rehiyon.
Salin: Andrea