Ipinahayag kahapon ng Amerika ang pagkadismaya nito sa pagbisita kamakailan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na class-A criminals noong World War II (WWII).
Sa isang regular na preskon kahapon, sinabi ni Tagapagsalita Marie Harf Konseho ng Estado ng Amerika na ang pagbisita ni Abe sa Yasukuni ay magpapatindi ng mahigpit na relasyon ng Hapon at mga kapitbansang Asyano nito. Dismayado aniya rito ang Amerika. Umaasa aniya ang Amerika na mahahanap ng Hapon, kasama ng mga kapitbansa nito, ang konstruktibong kalutasan sa mga isyung sensitibo.
Nagpalabas din kamakailan ng pahayag ang Embahada ng Amerika sa Hapon sa website nito bilang pagpapahayag ng pagkadismaya sa aksyon ni Abe.
Salin: Jade