Muling nanawagan kahapon si Yingluck Shinawatra, caretaker Punong Ministro ng Thailand sa sambayanang Thai na katigan ang halalan ng Mababang Kapulungan sa ika-2 ng Pebrero ng taong ito.
Sa mensahe sa kanyang Facebook account, sinabi ni Shinawatra na hindi masasabing malulutas ang lahat ng mga problema sa pamamagitan ng halalan, pero, ito ang pinakamagandang remedyo sa paglutas sa kasalukuyang kahirapang pulitikal ng bansa,at sa pagpapasulong ng reporma.
Idinagdag niyang sapul nang buwagin ang Mababang Kapulungan ng bansa, wala nang kapangyarihan ang caretaker government para mapasulong ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Kasabay nito, maraming bansa ang nagpalabas ng alertong panturismo laban sa Thailand.
Salin: Jade