Nagsagawa kahapon ng warm-up rally ang mga demonstrador laban sa Pamahalaang Thai bilang paghahanda para sa kanilang kampanya sa ika-13 ng buwang ito para paralisahin ang Bangkok.
Kasabay nito, ang mga mamamayang lokal ng Bangkok ay nag-rally din bilang pagtutol sa nasabing kampanya at bilang pagsuporta sa halalan para sa Mababang Kapulungan ng bansa, na idaraos sa ika-2 ng Pebrero.
Sa warm-up rally, hiniling sa mga mamamayan ni Suthep Thuagsuban, Pangkalahatang Kalihim ng People's Democratic Reform Committee na lumahok sa gagawing demonstrasyon sa ika-13 ng buwang ito. Aniya, ang layunin nito ay pilitin ang caretaker Punong Ministro na magbitiw sa puwesto para maisagawa ang pambansang reporma bago ang halalan sa Pebrero.
Pinaalalahanan naman ni Surapong Tovichakchaikul, Pangalawang Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand, ang mga mamamayang balak lumahok sa demonstrasyon sa ika-13 ng buwang ito, na hindi lamang ito labag sa batas, makakaapekto rin ito sa kabuhayan ng bansa.
Salin: Jade