"Ang Timog Korea ang siyang negatibo sa pagpapabuti ng relasyon sa Hilagang Korea." Ito ang ipinahayag kahapon ng tagapagsalita ng Lupon ng Mapayapang Reunipikasyon ng Hilagang Korea bilang tugon sa reaksyon ng Timog Korea sa new year's speech ni Supreme Leader Kim Jong-un ng Hilagang Korea.
Sinabi ng naturang tagapagsalita na kabilang sa mga aktibidad ng Timog Korea ay pagdaraos ng ensayong militar sa Kyonggi-do, at pagdududa at pagtanggi sa katapatan ng Hilaga. Ito aniya ay nagpapakitang ayaw ng Timog Korea na pabutihin ang relasyon sa Hilagang Korea.