Idinaos kahapon ng Tsina at Biyetnam ang unang round ng pagsasanggunian hinggil sa magkasamang paggagalugad sa dagat.
Lumahok sa pagsasanggunian sina Yi Xianliang, Pangalawang Direktor-Heneral ng Departamento ng mga Suliraning Panghanggahan at Pandagat ng Ministring Panlabas ng Tsina at Tran Duy Hai, Pangalawang Puno ng Pambansang Komiteng Panghanggahan ng Ministring Panlabas ng Biyetnam.
Sang-ayon ang dalawang panig na sundin ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina't Biyetnam, at ang kasunduan na nilagdaan nila hinggil sa Paglutas sa mga Isyung Pandagat noong 2011. Ito ay para mapasulong ang pagtatamo ng substansyal na progreso ng magkasamang paggagalugad sa dagat.
Salin: Jade