Ipinadala kahapon ang mensaheng pambati nina Pangulo Xi Jinping ng Tsina at Pangulo Truong Tan Sang ng Vietnam sa ikalawang pagtitipon ng mga kabataan ng dalawang bansa, na idinaos sa Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina.
Sinabi ng Pangulong Tsino sa mensahe na ang kabataan ay kumakatawan sa hinaharap ng nasyon; dapat nila isabalikat ang misyon at responsibilidad sa pagpapatuloy ng pagkakaibigan ng mga kabataan at mamamayang Tsino at Byetnames; may pag-asa silang magkakaisa, para pasulungin ang naturang pagkakaibigan sa hene-henerasyon, at ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Sinabi naman ni Truong Tan Sang na ang pagpapatibay ng mapagkaibigang relasyong Sino-Byetnames ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi ito rin ay makakatulong sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.
Dumalo rin sa naturang aktibidad si Li Yuanchao, Miyembro ng Politburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina at kanyang counterpart ng Partido Kumunista ng Byetnam na si Nguyen Thien Nhan.