Ipinahayag ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na may karapatan at pananagutan ang pamahalaang Tsino na mangasiwa sa mga isla, halaman, hayop at iba pang yaman sa loob ng teritoryo nito.
Ipinahayag ni Hu ang nasabing paninindigan bilang tugon sa pananalita kahapon ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Konseho ng Estado ng Estados Unidos (E.U.) sa pagsasabing pinagbabawalan ng panig Tsino ang ibang bansang mangisda sa mga pinagtatalunang rehiyon ng South China Sea sa dahilang sinusugan ng Probinsyang Hainan ang Alituntuning Lokal sa Pagpapatupad ng Pambansang Batas sa Pangingisda.
Kaugnay nito, ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na pagdating sa mga tadhana na may kinalaman sa pagpasok ng mga bapor-mangisda sa teritoryong pandagat ng Tsina, nananatiling pareho ang rebisadong batas ng Hainan sa Batas ng Tsina sa Pangingisda na binalangkas noong 1986. Idinagdag ng tagapagsalitang Tsino kung ang pagsagawa ng pagsusog sa isang batas na lokal ng Tsina na pinaiiral nang maraming taon ay magsisilbing banta sa kapayapaan at katatagan ng buong rehiyon, may pakana ang nagsasalita.