Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kung ipagpapatuloy ng Hapon ang pagtahak sa landas ng komprontasyon, maaring humantong ito sa deadlock sa pakikipagtulungan nito sa mga bansang Asyano.
Sinabi ni Hua na ang pagbibigay-galang ni Punong Ministrong Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine ay nagpapakita na gusto nitong muling buhayin ang militarismo at pagandahin ang kanilang mapanalakay na kasaysayan, at maaapektuhan nito ang batayang pulitikal ng relasyong Sino-Hapones, at dapat isabalikat ng Hapon ang responsibilidad hinggil dito. Umaasa aniya ang Tsina na mapagsisisihan ng lider Hapones ang kasaysayan ng kanilang pananalakay, at maayos na mahahawakan ang mga may kinalamang isyu.