Mula ika-14 hanggang ika-20 ng buwang ito, idaraos sa Myanmar ang 7th ASEAN Paralympic Games.
Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Pangalawang Pangulong Nyan Tun ng Myanmar na ang pagdaraos ng naturang palaro ay makakatulong sa pagpapataas ng katayuan at imahe ng Myanmar, at handa na itong maging punong abala para sa isang matagumpay na pagtitipong pampalakasan.
Ayon sa ulat, may 12 events ang naturang palaro, na kinabibilangan ng track at field, toxophily, football, swimming, basketball, volleyball, chess, weight-lifting, at iba pa.