Pagkaraan ng Brunei, naging bansang tagapangulo ng ASEAN ang Myanmar Noong unang araw ng Enero, ito ang kaunang-unahang pagkakataong nanungkulan sa tungkuling ito ang Myanmar sapul nang sumapi ang bansang ito sa ASEAN noong taong 1997, kaya, mataas na pinahahalagahan ng Myanmar ang pangyayaring ito at sinimulang maghanda para sa gaganaping isang serye ng pulong ng ASEAN.
Ayon sa salaysay, lalampas sa 300 ang bilang ng mga pulong na nakatakdang idaos sa Naypyitaw, Yangon at Mandalay na kinabibilangan ng ASEAN Summit, serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya, porum sa rehiyon ng ASEAN, ASEAN Defense Ministers' Meeting Plus, pulong ng mga Ministro ng Pananalapi ng ASEAN at iba pang pulong na ministeryal at pulong ng mga mataas na opisiyal na lalahukan ng mahigit 15 libong kinatawan mula sa loob at labas ng bansa.
Sa kasalukuyan, naghahanda ang Myanmar para sa pagkakaloob ng serbisyong tulad ng tuluyan, seguridad, transportasyon at impormasyon sa mga kalahok. Napag-alamang, ihinhanda ng state guesthouse ang 1848 na kuwarto na puwedeng mapatuluyan ang 3000 kinatawan. Bukod dito, ang 77 hotel sa punong lunsod na Naypyitaw ay magkakaloob ng 4000 kuwarto sa iba pang kinatawan. At idaraos ang serye ng pulong sa Myanmar International Convention Center.