Sa isang liham bilang pagbati sa pagdaraos ng 2014 China Commercial Conference sa London, ipinahayag ni Punong Ministrong David Cameron ng Britanya na kung gusto ng Britanya na maging pangmatagalang economic partner ng Tsina, dapat nitong patingkarin ang positibong papel ng malawak na pamilihan ng Tsina, para pasulungin ang pag-unlad at reporma ng dalawang bansa.
Sinabi niyang ang pag-unlad ng Tsina ay nagsisilbing pagkakataon, sa halip na banta, at nakikinabang ang Britanya mula sa naturang pag-unald. Aniya pa, noong unang hati ng 2013, lumaki ng 20% ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Britanya sa Tsina.