Ayon sa China News Agency kahapon, ipinakikita ng datos na isinapubliko ng Ministri ng Pinansiya ng Indonesia, na sa kasalukuyang taon, 5.6% lamang ang inaasahang paglaki ng kabuhayan ng bansang ito.
Ayon pa sa pagtaya, sa taong ito, aabot sa halos 99.5 bilyong dolyares lamang ang aktuwal na makokolektang buwis ng Indonesia, na katumbas ng 94.5% lamang ng target sa taong ito. Ipinalalagay ng mga ekonomistang lokal na noong isang taon, ang nakolektang buwis ng Indonesia ay katumbas ng 11.77% lamang ng kabuuang halaga ng GDP nito na pinakamababa kumpara sa iba't-ibang bansang Timog Silangang Asyano.
Salin: Li Feng