Ipinahayag kamakailan ng Komisyon ng Pamumuhunan at Koordinasyon ng Indonesia ang pag-asang daragdagan ng Tsina ang pamumuhunan sa kanyang bansa. Samantala, babalangkasin ng Indonesia ang katugong preperensiyal na patakaran para hikayatin ang pamumuhunan mula sa Tsina.
Ayon sa naturang komisyon, umaasa ang Indonesia na aabot sa 1 hanggang 2 bilyong dolyares ang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Indonesia kada taon, na magiging ika-5 pinakamalaking bansang pinag-mumulan ng puhunan ng Indonesia.
Ayon sa estadistika, sapul nang itatag ng Tsina at Indonesia ang estratehikong partnership, sustenable at mabilis na lumalaki ang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Indonesia. Noong isang taon, umabot na sa 600 milyong dolyares ang halaga ng di-pinansiyal na direktang pamumuhunan ng Tsina sa Indonesia.
Salin: Li Feng