Sa Nanning, kabisera ng Guangxi Autonomos Region, Tsina, sinabi dito kahapon si Li Mingru, Puno ng Thailand-Guangxi Chinese Association na kasalukuyang apektado ang pamilihang panturista sa Bangkok ng magulong kalagayang pampulitika, at maraming turista mula sa loob at labas ng bansa ang nagkansela ng kanilang planong maglakbay sa Bangkok. Umaasa aniya siyang magbabalik sa normal ang kalagayan ng Thailand sa lalong madaling panahon. Dagdag pa niya, inaasahang ibayo pang gaganda ang relasyong pangkaibigang Sino-Thai sa bagong taon.