Ipinahayag kahapon sa Bangkok ni Ning Fukui, Embahador na Tsino sa Thailand, na umaasa ang kaniyang bansa na mapapanumbalik ang katatagang pulitikal ng Thailand sa lalong madaling panahon. Dagdag pa niya, dapat lutasin ng iba't ibang may kinalamang panig ng Thailand ang kanilang hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo.
Ipinahayag din niya na naniniwala siyang ang kasalukuyang kalagayan ng Thailand ay hindi makakaapekto sa matalik at matatag na pagkakaibigan ng Tsina at Thailand at kanilang mga mamamayan.