Ipinahayag kahapon ni Ye Htut, Tagapagsalita ng Pangulo ng Myanmar, na magsisikap ang kanyang bansa para mapaunlad nang mas mainam ang relasyon ng ASEAN at mga dialogue partners nito.
Idinaos kahapon sa Pugam, Myanmar, ang Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng ASEAN para sa paghahanda sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN ngayong araw. Sapul nang manungkulan ang Myanmar bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtataguyod ang bansang ito ng ganitong pulong.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Ye Htut na kinakatigan ng kanyang bansa na lulutasin ng mga may-kinalamang bansa ang hidwaan sa nasabing karagatan sa mapayapang paraan.
Salin: Li Feng