Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa isang delegasyong binubuo ng mga Kongresista at personaheng mula sa sektor ng relihiyon ng Rusya, sinabi ni Pangulong Bashar Al-Assad ng Syria na inaasahan niyang maitatatag ang pandaigdigang unyon para labanan ang ekstrimismo at terorismo.
Binigyang diin ni Bashar Al-Assad na positibo siya sa paninindigan ng Rusya sa isyu ng Syria, batay sa mga regulasyong pandaigdig at batas. Ito ay angkop sa interes ng komunidad ng daigdig, lalo na sa interes ng mga mamamayan ng Rusya at Syria, dagdag pa niya.