Nagpadala na ang Rusya sa Syria ng mga sasakyan at iba pang mga kagamitan para tulungan ang huli sa paghahatid at pagwasak ng mga sandatang kemikal.
Ayon sa ITAR-TASS News Agency, ipinahayag ito ni Sergei Shoigu, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Rusya sa kanyang video talk kay Pangulong Vladimir Putin kaugnay ng isyu ng Syria.
Inilahad ni Shoigu na mula ika-18 hanggang ika-20 ng buwang ito, 75 sasakyan na kinabibilangan ng 50 Kamaz (heavy cargo trucks) at 25 Urals (armored vehicles) ang naihatid sa Latakia airport sa kanluran-hilaga ng Syria. Kasabay nito, ipinagkaloob din ng Rusya sa Syria ang mga tangke ng tubig (water tanks), kusinang maililipat (mobile kitchens) at toldang panghukbo (army tents).
Noong ika-18 ng buwang ito, ipinatalastas ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) na simula ika-19 ng buwang ito, ang Tsina, Rusya, Amerika, Norway at ibang pang mga bansa ay tumutulong sa Syria para wasakin ang mga sandatang kemikal nito.
Salin: Jade