Nakipag-usap kahapon sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga dalubhasang dayuhan na nagtatrabaho sa Tsina.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Li ang taos-pusong pagbati ng tagsibol sa mga dalubhasang dayuhan at kanilang pamilya. Sinabi niyang ang tagumpay na natamo ng Tsina sa isinasagawang reporma, pagbubukas sa labas, at modernong kontruksyon ay nababatay sa magkasamang pagsisikap ng mga mamamayang Tsino at kaibigang dayuhan, at hindi ito malilimutan ng mga mamamayang Tsino.
Ipinahayag din ng Premyer Tsino na umaasa siyang patuloy na magiging kaagapay ang mga kaibigang dayuhan sa usapin ng reporma at konstruksyon ng Tsina, kung saan ito'y magiging kanilang pangalawang lupang tinubuan. Bibigyan sila ng Tsina ng mas mabuting serbisyo sa trabaho at pamumuhay, dagdag pa ni Li.