|
||||||||
|
||
Pinanguluhan kamakalawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang isang pulong para pakinggan ang mga palagay ng 10 mamamayang Tsino hinggil sa mga gawain ng pamahalaan.
Lumahok sa pulong na ito ang 10 kinawatan ng mga mamamayan para ihatid ang kanilang mga palagay hinggil sa agritultura, kultura, edukasyon, palakasan, kalusugan, at pribadong bahay-kalakal.
Sinabi ni Yuan Longping, Dalubhasa sa Palay, na dapat pabutihin ng pamahalaan ang mga patakaran hinggil sa presyo ng mga produktong agrikultural at dapat ding magbigay ng subsidiya sa mga ito.
Umaasa naman si Manunulat Feng Jicai na palalakasin ng pamahalaan ang pangangalaga sa mga intangible cultural heritage at mga sinaunang arkitektura sa mga nayon.
Sinabi naman ng Aktor na si Li Xuejian na dapat ay ibayo pang pasulungin ng pamahalaan ang industriya ng pelikula at TV series.
Inilahad ni Han Lei, bagong gradwyet mula sa unibersidad, ang kanyang mga kahilingan hinggil sa mga patakaran ng pamahalaan sa pagsuporta sa mga mamamayan na nagsimula ng kanilang sariling negosyo.
Ipinahayag naman ni Duan Jun, migrant worker sa lunsod ng Kunshan ng lalawigang Jiangsu, ang kanyang hangarin sa paglutas sa mga isyung gaya ng household registration, edukasyon ng kanyang anak, suweldo, at pabahay.
Bukod dito, lumahok din sa pulong na ito sina Dong Qi, Guro mula sa Beijing Normal University, Zhao Yupei, Doctor mula sa Xiehe Hospital, Fan Xi'an, Salesman mula sa Joint Publishing, Lin Dan, Manlalaro ng Badminton, at Yue Qiu, Magsasaka mula sa Probinsyang Hunan. Inilahad din nila ang kanilang mga palagay hinggil sa edukasyon, kalusugan, palakasan at agrikultura.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |