Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na nanawagan ang panig Tsino sa may-kinalamang panig ng Thailand na sa pagsasaalang-alang sa interes ng bansa at kapakanan ng mga mamamayan, panumbalikin ang katatagan at kaayusan ng bansa sa lalong madaling panahon.
Ayon sa ulat, ipinatalastas kahapon ni Surapong Tovichakchaikul, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, na mula ngayong araw, ipinatutupad ang state of emergency sa Bangkok at rehiyong nakapaligid dito. Tatagal ng 60 araw ang batas na ito para harapin ang mga demonstrasyong kontro-gobyerno.
Salin: Li Feng