Kumakalat kahapon ang blokeyo ng Bangkok sa dakong timog ng Thailand, dahil dito, seryosong isinasaalang-alang ng pamahalaan ng Thailand kung isasagawa nito ang emergency decree o hindi.
Sinabi ni Paradorn Pattanatabut, Pangkalahatang Kalihim ng Pambansang Lupong Panseguridad ng Thailand na, ang pagharang sa mga pampublikong tanggapan ng mga demonstrador hanggang ngayon ay "nominal na aksyon," at uurong sila kapag dumating sa gusali. Pero, kung babaguhin nila ang paraan, madaragdagan ang posibilidad ng karahasan, sa panahon ito, dapat isagawa ng pamahalaan ang emergency decree.
Magbibigay ang emergency decree ng mas malaking kapangyarihan sa Punong Ministro para hawakan ang pangkagipitang kalagayan sa kabisera ng bansa.
salin:wle