"Dapat pagsisihan ng Hapon ang krimen ng militarismong Hapones sa mapanalakay na kasaysayan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagpahayag kamakailan ng namamahalang tauhan ng NHK hingil sa isyu ng comfort woman, noong World War II.
Sinabi ni Qin na ang pang-aabuso ng sundalong Hapones sa mga comfort woman ay nagsilbing krimeng laban sa sangkatauhan ng militarismong Hapones sa kasaysayan ng pananalakay, at naapektuhan nito ang katawan at damdamin ng mga biktima.
Aniya, dapat bigyang-galang ng Hapon ang kasaysayan at karapatang pantao, pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan ng militarismo, maayos na lutasin ang mga isyung naiwan para sa pagkakaroon ng tiwala mula sa mga kapitbansa ng Asya at komunidad ng daigdig, sa pamamagitan ng kanyang aktuwal na aksyon.