Sa bisperas ng Chinese New Year, nagpahayag kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ng kanyang mensaheng pambati para sa mga mamamayang Tsino.
Sa simula ng isang video message sa website ng UN, ipinakilala ni Ban ang kanyang sarili at binati ang mga mamamayang Tsino ng Maligayang Bagong Taon sa wikang Tsino. Tapos, inihatid niya ang kanyang mensaheng pambati sa Wikang Ingles. Narito po ang salin ng kanyang pagbati: "Sa papalapit na Taon ng Kabayo, inaabot ko ang aking taos-pusong pagbati sa inyo at pamilya ninyo. Ikinararangal ng UN, na buong-higpit na makipagtulungan sa mga mamamayang Tsino, kaugnay ng mga isyu sa kapayapaan, kaunlaran at karapatang pantao. Mataimtim kong pinasasalamatan ang inyong ipinangako at iniambag. Hangad ko ang kalusugan, kaligayahan at tagumpay para sa inyo sa Bagong Taon."
Bilang panapos, sinabi ni Ban, na "Ma Dao Cheng Gong." Ito'y nangangahulugang, agarang tagumpay sa Taon ng Kabayo.
Salin: Jade